Ang mga dahilan sa likod ng takbo ng sistemang panghukuman ay ang kakulangan ng mga pampublikong abogado, hukom, tagausig, korte, at katiwalian.

Ayon sa Section 15, Article VIII of the Philippine Constitution, ang isang judge ay inaatasan na magbigay ng desisyon nang hindi hihigit sa 90 days mula sa oras na ang isang kaso ay isinumite para sa desisyon.

Ayon sa pag-aaral ng Philippine criminal justice system sa pagitan ng 2005 at 2010 na isinagawa ng National Statistical Coordination Board (NSCB), ang taunang average load ng lower courts ay 1,059,484 na kaso. Nangangahulugan ito na kung susundin ng isang judge ang 90 days na tuntunin upang makagawa ng isang resolusyon sa loob ng isang taon, more than 4,000 cases ang kailangang attendan na hearing at mabigyan ng desisyon ng isang judge kada araw (Angara, 2018).