Child in Conflict with the Law o CICL ang tawag sa isang batang ipinapalagay na nagkasala sa batas, inaakusahan, o nahatulang nakagawa ng paglabag sa batas.
Section 4, Republic Act 9344
Juvenile Justice and Welfare Act
Ang Juvenile Justice and Welfare Act o RA 9344
na ipinasa noong 2006 ay isang batas
na lumilikha ng isang hiwalay na
sistemang pangkatarungan para sa mga batang lumabag sa batas o Children in Conflict with the Law (CICL).
Ayon sa JJWA, hindi inilalagay ang mga CICL sa mga bilangguan.
Sa halip, dinadala sila sa mga temporary youth care facility o sa malalaking rehab center gaya ng Bahay Pag-asa.
Maliit na porsyento lamang
ng kabuuang bilang ng krimen
sa Pilipinas ang kinasasangkutan ng mga bata.
Ayon sa datos ng
Philippine National Police (PNP),
98% ng mga naitalang krimen sa Pilipinas
mula 2006 - 2012 ay gawa ng mga matatanda.
2% lamang ng kabuuang bilang ng krimen
ang kinasasangkutan ng mga bata.
Sa ilalim ng JJWA,
mananagot ang isang CICL
sa kanyang nagawang kamalian
sa paraang iba sa mga matatanda.
Kung tunay na naipatutupad ang mga probisyon ng JJWA,
ang mga CICL ay hindi basta-basta
pinalalaya na parang walang nangyari.
Ang CICL na lumabag sa batas ay mapapailalim sa mga interbensyon na nakabatay sa komunidad o dadalhin sa isang temporary youth care facility o Bahay Pag-Asa na pinatatakbo ng pamahalaan.