Ano ang ibig sabihin ng CICL?

Child in Conflict with the Law o CICL ang tawag sa isang batang ipinapalagay na nagkasala sa batas, inaakusahan, o nahatulang nakagawa ng paglabag sa batas.

 

Section 4, Republic Act 9344

Juvenile Justice and Welfare Act

Ano ang Juvenile Justice and Welfare Act (JJWA)?

Ang Juvenile Justice and Welfare Act o RA 9344

na ipinasa noong 2006 ay isang batas

na lumilikha ng isang hiwalay na

sistemang pangkatarungan para sa mga batang lumabag sa batas o Children in Conflict with the Law (CICL).

Saan dinadala ang mga CICL?

Ayon sa JJWA, hindi inilalagay ang mga CICL sa mga bilangguan.

 

Sa halip, dinadala sila sa mga temporary youth care facility o sa malalaking rehab center gaya ng Bahay Pag-asa.

Ano ang bilang ng mga bata na nasasangkot sa mga krimen?

Maliit na porsyento lamang

ng kabuuang bilang ng krimen

sa Pilipinas ang kinasasangkutan ng mga bata.

 

Ayon sa datos ng

Philippine National Police (PNP),

98% ng mga naitalang krimen sa Pilipinas

mula 2006 - 2012 ay gawa ng mga matatanda.

 

2% lamang ng kabuuang bilang ng krimen

ang kinasasangkutan ng mga bata.

May Pananagutan ba ang CICL?

Sa ilalim ng JJWA,

mananagot ang isang CICL

sa kanyang nagawang kamalian

sa paraang iba sa mga matatanda.

 

 

Kung tunay na naipatutupad ang mga probisyon ng JJWA,

ang mga CICL ay hindi basta-basta

pinalalaya na parang walang nangyari.

Ano ang mangyayari sa CICL?

Ang CICL na lumabag sa batas ay mapapailalim sa mga interbensyon na nakabatay sa komunidad o dadalhin sa isang temporary youth care facility o Bahay Pag-Asa na pinatatakbo ng pamahalaan.

Ang isang CICL ay maaring magmula sa pamilyang . . .

0 %
Mahirap o kaya'y walang maayos na trabaho ang mga magulang
0 %
Hiwalay ang ama at ina
0 %
Nakaranas ng domestic violence

Bilang ng mga CICL na nasa loob ng mga kulungan sa Pilipinas ayon sa Children Rights Network (2019)

0
2018
0
2017
0
2016
0
2015
0
2014
0
2013

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa JJWC o RA 9344

CICL and Minimum Age of Criminal Responsibility